|| ..:: CHuCkLeS cHucKLeS ÜÜ ::.. ||* S H A T T E R E D dreams || valentines n nmn

Wednesday, February 14, 2007



♥this must be a happy day♥

Yeah. alam ko, feb 14 ngaun, so HAPPY VALENTINES!!! Pero, hindi ko ito-topic ang valentines ngaun d2 sa post ko. Sounds bitter neh?? no. Eh sa wala naman ako maikekwento dabah??? Hehe, flowers, chocolates, cake, letters, and everything ay nagkalat sa kung saan. wala naman nagbigay, except kay donna na nagbigay ng letter and a heart shaped candy (thanks). Hindi din kasi uso skin ang mga kaeklatan ng araw ng mga puso...there's nothing special naman this day except for the birthdays. Hehe. Birthday kasi ngaun ni ZOm8 angelo at sa friday, birthday naman ni Kuya elmo. So i want to grab this opportunity na ifeature sila ngaun d2 sa blog ko..hehe!!!


First celebrant: ANGELO A. TORIO, 16 yrs old. My Zom8 (soulmate). Dahil dito sa batang ito baka makasuhan ako ng pedophile..hehe joke!!!Di noh..di noh. He's a very good friend of mine. Ang pagkakaalala ko, feb 7 2004 ko xa unang nakausap, so bale three years na rin kami nito magkakilala. For me, itong taong to ay isa sa mga pinagpalang nilalang na nakasalo ng halos lahat ng talentong pinaulan ni Lord. Bakit?? Panu naman, he's very smart (laging nasa top of the class), a math genius (99 grade sa math), magaling magdrawing, magaling sumayaw (asteeegin!), magaling tumugtog ng gitara, magaling din toh umarte..haaay!! Hindi naman xa maxado talented noh??? Pero may isa din xang talent na kakaiba, lapitin xa ng mga babae!! (nyahaha talent ba un?). No doubt na maraming nagkakagusto sa kanya. Hayuup talaga toh pagdating sa math, naalala ko nga pinasagutan ko sa kanya ung workbook ko sa algebra aba akalain mo hindi man lng gumamit ng lapis, deretsong bolpen agad at partida walang erasures!!He's also a gentleman, may sense of humor, mabait, sweet, bsta!! Madami na kaming kalokohan ng taong to, hindi na mabilang. Hehe. Sobrang sweet din ng taong to, i remember pa nga nung one time na sobrang down na down ako nun kasi matagal na kaming hindi nagkikita ng buddy JC ko, bigla xa lumapit at kinomfort ako, (that's what friends are for)and he even said na "gusto mo ako muna bestfriend mo for the mean time?"..aww...ang sweet nia.


Bakit Zom8 tawagan namin? Ewan ko nga eh, bigla na lng naging ganyan, actually dati ang tawag nia sa akin ay pagirlfriend at tawag ko sa kanya ay paboyfriend (nauso kasi un nung panahon ng marinara sa gma 7). Tapos bigla na lng nging Soulmate kasi everytime na mag-oonline xa, eksaktong naka-online din ako. At lagi xa nagpapasalamat sa akin kasi sa tuwing nkaonline kami, tinutulungan ko xa sa mga projects nia. Hehe. bsta, coincidence naman ung pagkakaonline namin nun. Aun. Then lumaon, naging Zom8 kasi wala lng, gusto lng namin magpa-kyut. Tska maxadong mahaba ung soulmate. hehe.


Term of endearment lng namin yan, walang namagitan sa amin. hehe. Bata pa yan noh...pero aaminin ko crush ko c angelo, i really admire him. (crush is simply admiration for me...maxado na ata defensive). Sayang talaga mas bata pa xa skin LOL. Naku, i'm so blessed i have him as my friend. Thankful ako kay lord kasi pinakilala nia c Angelo skin. And thankful din ako kasi ok ung relationship namin, never pa kami nag-away nian promise. Aun, u won't regret having like angelo as ur friend!!!


Angelo, if you're reading this, sana malaman mo na sobrang special ka sa akin, i'm very thankful na nakilala kita, and i hope our friendship will stay forever..Alabshue zom8!!!



Actually sa Feb 16 pa birthday nito, pero isasabay ko na din kasi wala lng hehehe...Siya nga pala ang aming kuya na si KUYA ELMOw (kuya elmer). Pero sa ngaun ang tawag ko sa kaya ay anak, kasi panu ba naman eh inay ang tawag sa akin!! oh well, c kuya elmo, xa ang aking number one inspiration. Idol ko po yan. He taught us so many things and lessons in life, a good teacher and trainor (tama ba spelling?). Sa kanya namin natutunan ang mga dance steps at tambourine patterns. Isa din xa sa mga nagmulat sa akin with regards sa mga life's problems, trials, challenges. I consider him as my mentor. Ang dami niang itinuro sa akin, he's been my guide for three years. Dahil sa kanya, nagbago ako, naging mature ako at lumawak ung outlook ko sa buhay. Thankful kami kasi sinasama nia kami sa mga outreaches kung saan marami kaming natutunan. Because of him, nag-grow kami in terms of relationship with our Lord. Were very blessed to have our kuya elmo in our lives.

mabait na kuya ito, maloko din minsan, masaya kasama. Pero nakakatakot din toh, pero understanding naman. Madami na itong naikwento sa amin, at nagpapasalamat ako sa kanya kasi isa ako sa kanyang pinagkatiwalaan sa mga secrets nia. Pati na rin sa responsibilities na inentrust nia sa akin. Also, open din xa smin, tska madali xang lapitan at hingian ng payo tuwing may problema kami. I'm very thankful to have a kuya elmo sa aming tabi. naku pag eto nawalay sa amin, magagalit ako!!! Ayaw ko ata mawalay sa anak ko noh!! hehehe


Anak, kung binabasa mo to, nagpapasalamat ako kay lord kasi pinakilala ka nia sa amin, were very sorry kung madalas eh pasaway kami pero sana malaman mo na special ka sa amin..we pray for your health..nawa successful ung operation mo..bsta...we love you poh!!


i think this is long enough na. Bsta. Those two persons i mentioned, sobrang mahalaga sila sa akin. Cguro hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawawala sila...andrama ko noh pero totoo un..

hehe

HAPPY BIRTHDAY Angelo and Kuya Elmow!!!


eto nga pla ung gift ni Ate Karen...enkyu po...mwaaaaahhh...Happy valentines ulet!!! ♥♥♥

Labels: , ,



* my S H A T T E R E D dreams_ 2:22 PM

|

Friday, January 26, 2007



♥uber busy♥
whoa!! kamusta naman un??? Busy-busyhan ako ngaun kahit naman hinde!! Hehehe..Andito ako ngaun sa cybermed, buti na lng at natapos ko na din i-edit ung FNCP (Family Nursing Care Plan) ko, sana wala ng mali..

eh ayaw ko pa umuwi..kaya magbblog muna aku..yahuuu!!!

nga pala..


Happeeee birthday kay Chevy aka Donya Quixote!!


tska advanced happY birthday kay Jonell...


Congrats din sa mga pumasa sa UPCAT!! yehey!!! cla ay sina..: Kevin Utakgago,Mikmik, Rommel, Yna_thewhore, at ung kapatid ni RV na si RR. Sa mga hindi nabanggit, kilala nio naman ang sarili nio..bsta...CONGRATS!!


ok tama na plugs...let's go to the topic.

bakit nga ba ako ganito ka-busy.?? actually di pa naman maxadong busy kasi nagagawan ko pa naman bisitahin mga blog nio..kau lng siguro ung busy???joke..(magparinig daw ba)

Nung tuesday nag-start na kami sa data gathering. Survey eklat. Binalikan namin ung family na dating pinagtanungan namin. buti na lng at isang family lang ang kelangan interbyuhin!! akala kasi namin eh 100 families per section, so lumalabas na 2-3 families ang kelangan isurvey bawat isa!!! yehey!! atleast hindi na kami mahihirapan. so aun. masaya naman ang aming pagbabalik sa brgy. holy spirit!!

Tapos kahapon, sinimulan ko na ung pag-tally ng mga sinurvey. Ung sa grupo ko pa lng. Grabe, ang hirap pala mag-tally. nakakapagod pala!! Kaya pala sinabi ng mga CI namin na madugo daw ung tallying..oh well..atleast tapos na ako sa grupo namin. pGsasama-samahin pa namin ung sa buong section.

Then, ung FNCP naman, Akala ko napakahirap gawin un pala madali lng!! Haha...konting kopya lang sa book tapos yun!! tapos!! hehehe...kaso mahirap din pala gumawa ng care plan lalo na pag wala namang health deficit/health threat/forseeable crisis na makikita sa isang pamilya..nahirapan ako mag-isip. buti na lng naghanap na lng ako ng paraan..hehe..

Ang poproblemahin ko na lng ngaun ay ung sa case presentation. Panu ang daming itinoka sa akin. Imagine, 48 kami sa klase. Tapos tatlong part ung akin. Ung barangay officials ay tapos ko na..bale ang itatype ko na lng eh ung barangay history. Mejo madali na lng un. Ang pinakamahirap sa gagawin ko ay ung data analysis. lintek. bakit kaya un pa ang natapat s akin??haaaaay...Lord i know you will help me...AJA AJA!! Kaya ko to namein!!!

Ay ewan. ganito na ba un?? nararanasan ko na paunti-unti ung hirap sa kolehiyo. kung tutuusin wala pa nga ito sa mga thesis proposals ng ibang students. Ah bsta. Kaya ko ito. Inspired pa naman ako ngaun!! hehehe..actually excited na ako sa battery exam para pag naka-pasa, capping na!!! tapos onting tiis malapit na gumradweyt..tapos board exam..haaaay...iniimagine ko na ngaun ang mangyayari..nawa magkatotoo..basta nakaka-inspire talaga..hahaha!!


Hmm..pahinga na ako dis weekend. i deserve a rest talaga. hehe. gusto ko nga pumunta sa Blog pArteeh kaso asa pa hindi naman ako nagpopromote kaya asa naman talaga makakuha ako ng invite. asa pa para sa e-ticket.


haaaayz...lapit na pala midterm exams. sa feb5 na..waaaaaa...

nagugutom na ako..maya2 uuwi n ako.

Labels: , ,



* my S H A T T E R E D dreams_ 3:45 PM

|

Monday, January 08, 2007



♥first day of school for 2007♥
Got home from school. Haaaaay. Ngaung araw lang kasi nag-resume ung class namin. Aun. Unang class for the year 2007, walang kwenta naman. Pano, ung first subject namin wala kami prof. Pero dumating ung level coordinator namin para kunin ung attendance at para na din iinform kami na un nga wala ung prof namin at baka mag-make up class na lang. Aus. Mejo nag-aral pa naman ako kc supposedly may quiz kami tapos wala din pala ung prof. Haynaku. Tapos sa next subject which is Health Eco, aun late dumating ung prof. Binigay niya sa amin ung prelim exam namin. I got 55/75. Putek ambaba. Pero aus lang atleast hindi bagsak. Equivalent nun is 2.25, pwede na rin. Ü...aun..Tapos bingay nia lng ung assignment for next week tapos nagpa-activity siya, sort of psychologic test chuva...then, dinismissed din kami agad.

Ngaun lng ako nakarating d2 sa bahay kasi may hinintay pa ung kasama ko dun sa Konna Cafe..aun...tagal din namin dun ah. Haun. Nakakatamad ung first day, sana hindi na lng ako pumasok. Oh well.


Kau???Kamusta ung unang pasok nio sa school for this year???Lagay nio sagot nio sa comments section.. :)


nga pala, HAPPY HAPPY BIRTHDAY KAY CONG CONG OINKEEY!!! hehehe....


still fetching comments dun sa last question ko sa previous post.

That's all...bye!!

Labels: ,



* my S H A T T E R E D dreams_ 3:08 PM

|

Wednesday, January 03, 2007



♥new layout♥
BAGONG TAON....BAGONG LAYOUT!!!



sa wakas!! after 4653 years (weh OA na), nakapagpalit na din ako ng layie ko. Ngaun lng kc ako sinipag gumawa, since naaus na din 2ng pc namin pero mabagal padin ang internet...

sa tingin ko, ito ata ang pang-14th template na nagamit ko. Panu, dati ang sipag ko magpalit ng template, halos every two months ata. Ngaun tinamad na..hehehe..

I hope mag-enjoy kau d2 sa new-look na bahay ko..hehe

=======================================================
Kamusta ba ang new year ko?

Ako?? Mejo ok. Ayan, mejo na naman..tsk tsk tsk. Magaling magaling magaling. Lagi na lng ganyan.

Bisperas ng new year, ako'y naging busy sa pagluluto ng carbonara at pagprito ng siomai at hotdog. Tapos nun nagpaka-sasa sa TXT. Ktxt ko nun si adbot. Eh di ang saya ko na naman!! Dami napagusapan, dami na-reveal na pasabog na tsismis. Pinagusapan namin ung taong tinukoy ko sa dec24 post.

Sabi ko kay J--, "alam mo nagulat talaga ako nung cla pala ni ano, kc biruin mo ah, kung may gf xa, dapat hindi xa nagttxt sa akin ng mga xobrang sweet n msgs tska hindi xa nagtatanong sa akin abt panliligaw" (OO, nagtanong un sa akin kung payag ba ako manligaw xa..saklap noh..). So nagulat si J--...tinanong kung kelan pa un sabi ko matagal na, sinabi ko din na hindi ako pumayag, ano ako utot?? tska hindi naman seryoso ung guy na un eh...tska nga dba kuya lng turing ko sakanya. screw him. Grabe. Gulat na gulat ang adbot. tsk.tsk.

Kinaumagahan, ang ktxt ko naman ay si guy dun sa dec24 post. malinaw na skin ang lahat. Hindi nia sineryoso ung naging gf nia. Malamang sa txt lng nmn un. Aun nag-txt txt. parang walang nangyari, tska di naman nia alam. Kasi kahit nagcnungaling xa sa akin, pinatawad ko pa rin. Kahit kay Jov ko lng nalaman lahat, auz lng. Kahit na siya na ang nagsabi skin na "walang lihiman"..haay..martyr ako eh...wala naman mangyayari kung aawayin ko pa xa.

Tapos, may bigla xang tinanong sa akin:

"Paano kung ligawan kita, magagalit ka ba?Ikakahiya mo ba ako?Kakalimutan?Isusumbong mo ba ako??...blah blah



Xempre sagot ko, hindi ako magagalit. Pero cnabi ko dn na hindi ako papayag na manligaw xa.


ANO NA NAMAN BA ITO??Parang nung kinagabihan lng eh pinagusapan namin ni jov ung tungkol sa panliligaw nia sa akin dati tapos nangyari uli???

Naasar ako eh. Kung kelan naman nagdesisyon na ako tapos bigla xa aarangkada?? Parang gusto ko sa kanya sabihin na "ooops..late ka na!!". Haaaay...bakit ganun?? KUNG KELAN INALIS MO NA XA SA PUSO MO SAKA SIYA DUMARATING???


Azar. Pangalawang beses na to. Sabi ng iba, anjan na pinakawalan ko pa, sayang daw ang pagkakataon..pagkakataon???ano un?? Matapos ko ipangako sa sarili ko na hindi ko na papasukin ang taong iyon tapos pagbibigyan ko??hindi ako hibang noh..

Pasenxa na..ma-PRIDE kc akong tao. hindi ko na maalis tong ugali na toh...

Buti na lng sa bandang huli, na-realize nia na dapat hindi na lng daw nia ako tinanong ng ganun. Kc wala naman daw xa karapatang manligaw. Tska wala naman daw ako gusto sa kanya (naku kung alam nia lng).

But i have decided na. Mas masaya ung relationship namin as magkapatid kesa mag-bf.


Tama nga xa..mukhag mahirap na maibalik ang pananaw ko sa love. haaay...


usapang love talaga..walang katapusan!



parang ang panget tuloy ng umpisa ng new yr sa akin. Haaay..sana hanggang dun n lng un. How i wish maganda ung mangyayari sa akin dis year 2007. haaay..bahala na c Lord!!

Labels: , , , ,



* my S H A T T E R E D dreams_ 5:29 PM

|

Sunday, December 31, 2006



♥Happy New Year!!!♥


Whew...11 hours to go and new year na!! Yahooo!! 2007 na!!! Weee....mamimiss ko ang yr 2006, sobrang dami ng nangyari this year, mga happy times, senti times, bad times...LAHAT!!...This year became very memorable to me as in sobrang memorable. Hehe...


Grabe dami talaga nangyaring kakaiba this year 2006. Ang makapasa sa 1st yr of college, maka-meet ng new friends, bonding times with friends, kalokohan sa mga debut ng blockmates, dumami ang nakakabasa ng blog ko at xempre dumami na din ang nagkokoment, nagkaroon din ng close friends from the blog world, nagkaroon ng cellphone at nagpaka-adik at nawala din, ang aking 18th yr of my life, ayaw-bati with my buddy, sleepless nights, kalimutan ang past love, masaktan sa isang tao, pasayahin ng isa pang tao, sunday mass sa sacred heart parish, rehearsals, pagpupuri kay lord......magpaka-GC sa school, swimming sa casa milan, tumambay sa Jollibee for 5 hours bago mag-exam, memories with jemel, sabunin ng mga CI's at prof....magkaroon ng mataas na grades, ....basta....MADAMI!!!



so this time, let me THANK people who became a part of my life this 2006:


BSN II-B


Marianne Endriano - she, paramdam ka naman pls. Cguro ngaun nasa tate ka na, miss na kita...almost 3 yrs din tau magclassmate, thanks sa lahat lahat, sa sleepover sa bahay nio, sa sharing..bsta...sana magparamdam ka na mami!!


Kring, Clims, JC....damn....cmula nung umalis na si marianne mejo nahiwalay ako sa inyo pano iba ung direksyon nio pag umuuwi..pero thanks sa company nio...


Malarie (goggles) and ANalou, ang aking mga savior at kahit wala na si Marianne eh may kasabay naman na ako pauwi sa jeep...salamat sa tawanan natin at sa company nio...


Ang aking kapamilya na si Kuya echo, Sis Prec at ang mga ampon na c V-an at sOL, thanks din sa company nio...kahit la na tau mami bonded parin tau..hehehe




and to other classmates, although hindi ako naging close sa inyo, thanks parin kc kahit papano eh pinapansin nio naman ako...heheheh...sa summer magkakahiwahiwalay na tau, mamimiss ko mga kalokohan natin..swear...mamimiss ko ang maingay, magulo, talentado at matalinong II-B!!! hehehe


FRIENDS


Buddy Jc, even though were not seeing each other anymore, thanks parin kc sa buong 2006 ikaw ang aking karamay sa mga problema ko...buddy, 2 yrs na din tau sana magtagal ung relationship natin as bestfriends, miss na kita xobra


Geneva, ang aking girl bestfriend..thanks sa lahat lahat. Thanks kc tuwing nagiisa ako bigla ka sumusulpot para samahan ako..thanks sa mga kalokohan, sa iyakan, sa tawanan bsta sa lahat!!!


Kay, thanks sa friendship...kahit taung tatlo na lng ni gen ang parati magkasama masaya pdin tau...hehehe...


JOv_adbot no.2, thanks poh adbot sa lahat lahat...i know nasa malau ka ngaun nagpapasalamat pdin ako kc nakilala kita, you know, were friends..toinks!!! hehe....thanks pala nung bisperas ng pasko kc ikaw ang dahilan kung bakit nawala ng konte ung kalungkutan ko..ikaw ung naging karamay ko sa problema ko nung dec 24...thanks 4 always cheering me up 2wing may problem ako...adbot ka talaga!!!


tol danny, thanks poh kc nagkausap na tau in person, i wish mas lalo pa kita makilala ng lubusan....


cong cong oinkeey JR, bagtit ka talaga!! salamat sa mga pangaalaska mo sa akin pero kahit ganun ikaw ang nag-iinspire sa akin para magpatuloy ako sa paglilingkod kay Lord!!


Kuya Jeff, thanks for making me your Mentor even though mas bata pa ako sau, thanks at pinagkatiwalaan mo ako...


SGS Family, thanks for making us part of the worship team sa inyo...miss ko na practices natin...


YES Worshipers, thanks sa sama sama natin pagpupuri kay lord, i hope we all grow more..lumago tau sa paglilingkod kay lord...


KUya elmo, anak thanks ha!! ang dami dami kong natutunan sau. nawa po wag ka magbabago sa akin. thanks for being my kuya kaso ngaun anak na kita. yaan mo gagawa ako ng paraan para makita ang iyong itay hehehehehe


BLOGGERS


Adrian of kissescomics, thanks sa mga comment mo na talagang nakaka-touch..hehe...salamat din dun sa binigay mo na gif...kakatuwa...hehehe


Kuya Zord, kuya thanks po kc kahit papano naging kclose kita sa chat at sa txt..thanks kc nasasabihan mo ako ng mga secrets mo...


Lovely, ui...classmate!! miss na kita ah...musta ka na jan?? hehehe...kahit papano eh may balita pdin tau sa isa't isa..salamat sa blog..!!


Kuya rob, kuya rex, and jhed...miss ko na kau katxt!!! thanks po ha....kuya rob, gudlak sa lablayp mo!!! Jhed, paramdam ka naman. Kuya rex, 22 yrs old ka na!!!!hehehe


Hana and yvet...lapit na lng..nurse na tau!! hahaha..thanks sa mga comments nio...sa mga sharing ng experiences abt nursing lyf...hehe


tol henry, dapat sa friends section ka pero blogger ka na din eh..tol thanks poh sa lahat2x...ung tanong ko sau di mo pa nasasagot..hmmphh..eniwei...thanks!!



at sa mga iba ding bloggers na naging kclose ko...THANKS!! dahil sa inyo buhay padin tong bLOG ko!!!


and to GOD ALMIGHTY...no need to mention lahat ng nagawa mo sa buhay ko kc buong buhay ko, ikaw ang dahilan. Wala ako kung wala ka. Thanks PO!! to God be the GLORY!!


ayan..madami dami na din ang napasalamatan ko...sa mga hindi nabanggit, kung alam nio na naging part kau ng lyf ko, THANKS SA INYO..bsta kilala nio ung sarili nio!!!


Lapit na 2007 noh? Lapit na matapos 2006..Anoder yr,...anoder lyf...tnx sa pagsali ds yr sa lyf q ha?!Sana join k ulit nxt yr...saya kc pag anjan ka...HAPPY NEW YR!!!!

Labels: , ,



* my S H A T T E R E D dreams_ 1:42 PM

|

Sunday, December 24, 2006



♥malamig na pasko♥
almost one week din ako nawala. Sorry poh. Nalimutan ko na iupdate tong blog ko. Madami na din nangyari dis past few weeks. Dance rehearsals, simbang gabi, puyatan sa txt kc nangangarir (oo marunong na ako mangarir ngaun), and many more..


isa isahin ko mga nangyari.


Nabanggit ko sa last post ko ang aking kapatid na si danny. Lam nio ba pag-uwi ko sa bahay may natanggap ako na txt msg na nagsabi 'hi tol!'...xempre tinanong ko kung cno xa. ayaw magpakilala. hulaan ko daw. eh sa way n magtxt kilala ko na. ayaw talaga umamin. sabi ko pa nga 'ganyan ka, magpaparamdam kung kelan malapit na mgbday!!'..aun, nabuko...cnabi ko na kung ayaw mo magpakilala wag na xa mgtxt...ahaaay...ang tagal ng proseso bago kami nagkausap. Ang galeng. Nabanggit ko lng xa sa friendster tpos mya2 ktxt ko na.Nung dee 19 ung bday nia. I'm not sure if ako ung unang bumati s knya...na-mizz ko xa sobra. tpos nung thursday ata ng madaling araw, abt 2am ata un, bigla xa nagising. buti at gising pa ako nun. aun. ktxt ko xa til 5am. lupet ko noh kaya sabog na ako eh walang tulog. he even called me for a minute lng. ang saya ng txt namin kc dinate nia ako through txt. ang saya. bsta...


Our dance rehearsals for our christmas event is sobrang toxic. waaaah. kapagod talaga. worth it naman kc successful naman ung ginawa namin. I think naglorify naman c lord sa ginawa namin. Kaya e2 ngaun masakit pa buong katawan. antok pa din. pero try ko na makapagpost b4 christmas day.


Got to meet again with the torogi's (Oinkeey Jr, Jov_adbot, kapatid na danny, apol, and kuya dudes gwapo..hehehe). Niraid ko ung bagong cp ni danny..haha...tpos c adbot aun! adbot pdin. Binigyan ko xa ng pic ko tpos nagrequest pa na 'lagyan mo dedication ah'..haha ambisyoso!! weee...nakatanggap din me ng gift galing sa aking kapatid...tenkyu puh ah!!


( this following paragraphs would be soooo very emo...babala lng)

after i got home from our service, i went to bed and cried to sleep. Sh*t. Ayaw ko na. bakit kaya ganito?? Bakit ba ako nasasaktan ngaun??? Is it i loved him already??? Pero hindi pwede. KUYA lng ang turing ko sa kanya.


This is the first christmas na malungkot ako ng sobra.


Hindi ko matukoy ung nararamdaman ko. Nung nalaman ko ung balita tungkol sa kanila ni ano, parang no comment lng ako. Sinabihan ko pa nga xa na "kaw ha may tinatago ka sa akin, pero auz lng, i respect ur privacy naman eh"...pero nung pag-uwi ko sa bahay, bigla na lng ako humagulgol sa iyak. Pangalawang beses pa alng ako umiyak ng ganito. Una sa taong ewan, look for June 16 post...tpos ngaun sa kanya naman??? ewan ko. sinasabi ko naman sa sarili ko na, KUYA lng ang turing ko sa kanya pero bakit naman ako ganito kung masaktan. As in masakit talaga. Bakit??? MAHAL KO NA BA SIYA??? hindi ko ala...hindi ko alam....


KUYA LNG KITA OK???pero mahal kita


Pero sa totoo lng, ako tlga ang nasasaktan para sa kanya. Bakit. Kc tinwo-two-time xa ng babae. Lintek. Kilala ko din kc ung babae. At pagkakaalam ko hindi pa cla nagmemeet. sa txt p lng. Naawa naman ako sa ex-bf ng babae kc minahal nia ung girl tpos mangangaliwa xa!! tpos ung kapatid ko pa ung involved. I pity him. and i pity also the gurl. I pity them all including myself.


Pangalawang beses na ako nabigo dahil sa lintek na love na yan. Buti at hindi ko nagiging bf ang mga yan kundi baka lalo lng ako masktan. atliz sa una pa lng nakikilala ko n cla. pero masakit parin tlg. minahal ko eh. Buti na lng hindi pa ako xobrang na-fall sa kanila kundi baka sobrang masktan lng ako. Kaso there is something common with the two of them. Parehas cla ng nickname. coincidence??



kaya napapaisip ako. mas masarap talaga maging single. Ayaw ko na maghanap ng bf. ayaw ko muna. Mark my word. Lagi na lng ako nasasaktan. Ayaw ko na. Hindi ko na rin iisipin ung taong tinutukoy ko dito sa post na to: http://toph29.blogspot.com/2006/11/my-dream-as-requested-by-billycoy.html Hindi talaga ako swerte sa love. Palagay ko mag-mamadre na lng ako. o kya focus na lng sa studies...


kanina din nalaman ko na meron na din gf ung unang guy prospect ko..pero hindi naman na ako nasaktan dun kc diba na-let go ko na xa. kaya no hurt feelings na ako.


tamang-tama. malapit na ako magbattery exam. yan na lng ang pagtutuunan ko ng pansin.


kanina nga bago kmi umuwi, nagpahilot ako ng ulo kay kuya elmer. Tapos cnabi nia sa akin na "cguro madalas ka magisip noh? naipon kc dito lahat ng stress mo, wag ka kc maxado magiicip kaya madala sumakit ulo mo eh".


ang galing nia. nalaman nia un. oo tama, madalas ako magicip,.tapos nalaman ko ung balita..aray. akala ko di na ako magiisip-isip muna kaso eto ngaun yan naman ang laman ng isip ko. taena..ayaw ko na nga db???


pasalamat parin ako at kahit papaano ay anjan ang mga friends na nagmamahal sa akin. pero hindi ko maatim na iOpen itong lahat sa kanila. swerte na lng sa makakabasa.


Sa lahat ng ouch at aray, mahal pa rin kita. salamat. pero ayaw ko na. nakakaubos ng lakas. nakaka-drain ng energy...pero salamat. paalam.


Ayaw ko na magmahal.



HEARTBREAK SONG
by Kim Chiu


Bakit kaya ganito aking nadarama
Nasasaktan ng ‘di naman nalalaman
Kung meron man akong hiling sa puso kong ito
Hindi sana… hindi sa tulad mo

Chorus:
Gulong gulo ang isip ko
Sa puso kong ito
Hindi alam kung bakit ba
Ikaw ang minahal
Kung kaya ko lang sanang pigilan
Ang aking pusong
Piliin ka
Upang ibigin ko

Pag-ibig ba ay sadyang ‘di maintindihan
Puso’t isipan ay ‘di rin magkasunduan
Kung kaya kong limutin ka
Ginawa ko na
Ano bang meron ka’t mahal kita

Repeat chorus



plugs to :
Adrian,Jennifer,Yvet,Kuya Rex,Paurong,Lovely,



nga pala, baka hindi ko mabisita lahat ng mga blogs,...sa mga makakabasa, have urself a merry christmas and a prosperous new year!!! bless God first and God will bless you!!!

Labels: , , , , , ,



* my S H A T T E R E D dreams_ 6:25 PM

|

Monday, December 18, 2006



♥post ng muling nagbabalik♥
weeee. I'm back from hibernation.



Prelim exams was fine. Did'nt studied much. I even used to text while memorizing the formulas in vital statistics. Lol. And it helped much. From now on, i will keep on txting while studying. LOL.


As i have said, exams was fine except for STS (to donya quixote, i bet you the meaning of STS). Our STS exam was loaded with essayssss. shit. 10 points each essay. and there's one item i did'nt answered. Arrrgh. But it's fine. I did'nt studied well so i deserve a low result.



We don't have our classes today. And tomorrow and on wednesday, we don't have also. so our christmas vacation has started. weee. And also, i'm glad that my father let me use his cellphone for the rest of vacation, so anyone there who are smart subscribers, contact me....txt txt tau!! hehehe



Last friday, we had our exchange gifts in our section. Received a gift from my Sis prec: a pouch bag and a flip flops. Thanks sis!! and i gave a four 50 peso bill to Rap. Why money?? because he wrote on our wishlist that he wanted to have a PSP. AZA ka pa. Duhh/....PSP??? where can i buy PSP worth 200 pesos??? That's why i gave him money instead..


tomorrow's birthday of my brother-kuno, tol Danny. And it feels like hell. I really missed him so much he did'nt make paramdam to me. If i'm going to see him, i'll punch his face. LOL



that's all for now. weee. 7 days b4 christmas. I'm now accepting gifts right now. LOL.




plugs to: Paurong,Lovely,Adrian,Donya Quixote,Celena,

Labels: , , , ,



* my S H A T T E R E D dreams_ 1:05 PM

|