Friday, April 28, 2006
sisiw na lang
wala na akong mararamdaman....
at yun ang akala ko
inakala kong nakalimutan na ang lahat
ikaw lang pala ang nakagawa nunmasaya ka na pala at akala ko masaya din ako. natakot ako sa araw na darating na magkikita tayong muli. natakot sa araw na makikita muli ang iyong mga mata. malas. natatakot ako pero parang hinihintay ko. makalipas ng ilang buwan pagkatapos ng isang iglap na paglisan,
inamin kong minahal kita at lumayo. hindi ko man nasabi ngunit alam kong alam mo. inisip kong nabigo ako dahil hindi ko man lang naipagtanggol ang nararamdaman ko, hindi ko man lang ipinaglaban ang mga paghihirap na ginawa ko habang pinipigilan kong mahalin ka sa araw-araw na ginagawa mo. sa kabila ng kalayuan, nagawa mo paring palalain ang paghihirap ko.
nakakamatay... ang mahalin ka.
akala ko nung una, di lang talaga ako marunong magmahal. inisip kong isa akong manhid. pero naghihintay lang pala ako..at ang malas... sayo pa. umaasa pa pala akong mamahalin mo rin ako parang umaasang mananalo sa lotto nang hindi tumataya. at nang dumating ang panahon upang makita kang muli. inakalang ito na ang panahon upang mabawasan ang mga paghihirap sa pamamagitan ng pag-amin sayo. hindi man umaasa, sana man lang maintindihan.
at nakita kang masaya. sa piling ng iba.
sasabihin ko na sana pero wag na lang. naduwag man ako pero alam kong ito ang tama. mahal kita pero hindi ko na dapat sabihin. may mga bagay na dapat na lang isekreto kahit na ang kapalit ay lahat. mga bagay na dapat itago na lang.alam kong mahirap pakawalan ang isang parte ng puso na ayaw lumaya. parang pakakawalan ang isang alagang ayaw mong mawala.
mahirap pero kelangan.kasi unfair.
ikaw masaya tapos ako hindi.wag kang mag-alala.
mahahanap ko rin ulit ang sarili ko. hindi man sayo, marahil sa iba. pag-aaralan ko na lang na hindi ka hanapin sa mata ng iba.
mahirap i-let go dahil nakakapagod pala. nakakaubos ng lakas. nakakadrain ng energy, nakakapagpabasa ng mata.sa kabila ng lahat ng aray at ouch.magpapasalamat pa rin ako. paalam.
* my S H A T T E R E D dreams_
2:56 PM |