Monday, April 24, 2006
Kapag ginulo ka ng pag-ibig marami kang iniisip, naiisip at gustong isipin. Pero mas gusto mong malaman ng lahat ng tao ang lahat ng kabanggaan mo. Wala lang. Magpapansin. Umasang may mag-rereply sa senseless thoughts mo.
Mag-advice. Magsabing, "Oo.. naiintindihan kita.."
Pero ayos lang sayo kahit di nila basahin to. Bakit pa? Sino ka ba?
Nakakadiri. Ayaw mong tuksuhin ka nilang, "yuck!! Ang mushy mo
pala!!"
Sa lahat ng kaibigan mong humihingi ng advice tungkol sa pag-ibig, ang sinasabi mo lang palagi, "Tange, kalimutan mo na lang yang nararamdaman mo. Korni mo e. Ang OA mo pa. Guguluhin lang nyan buhay mo." Ang sasabihin pa nila sayo, "Talaga? Buti ka pa, wala kang lovelife. Di ka stressed. Di ka kinakabahan palagi --"
At di ako mukhang tanga."
May na-offend ka na naman. Pero pakialam mo ba sa kanila? Totoo
naman ah.
Tapos bigla mong mare-realize, may problema ka na rin pala. Hayop talaga. Gusto mong sumigaw. Bakit may nanggugulo na rin ng buhay mo ngayon?
Ang dami mong crush, grabe. Yung isang classmate mo sa Math17, isa
sa Hum1, dalawa sa Geog1, dalawa sa PE2, isa sa Math100 at isa sa
Chem16.
Si Mike Bravo ng Maroons, si George Chia ng Blue Eagles, si Kogore ng Shohoku. Si Dao Ming Shi at si Mei Zhuo ng F4. Si Enrique Iglesias. Si Legolas. Si Ron Weasley.
Sixteen. Imagine?
Pero di naman nila ginugulo ang buhay mo. Ayos lang di ba? Kaso may isang taong di mo maintindihan kung bakit kahit anong gawin mo, talagang ginugulo pa rin niya yung buhay mo.
Para siyang mangkukulam. Kahit saan nakikita mo siya.
Inalis mo na noon yung pangalan nya sa phone mo. Kaso sinulat mo
pa rin yung number nya sa diary mo. Engot ka talaga. Tapos nilagay mo ulit sa cell mo. Tapos inalis mo ulit kase nainis ka. Naihagis mo pa nga sa kama mo yung phone mo e. Tapos naisip mo wala rin naming epekto kung nasa cell mo siya o wala, kaya nilagay mo na lang ulit. Tapos binura mo na talaga ngayon. Panahon na para kalimutan na talaga sya --- naiisip mo.Okay na? Hinde. Mas malala.
Na-memorize mo na kase yung number nya.
Tsk tsk tsk. Naaawa ka na talaga sa sarili mo.Naiinis ka pa kapag sinasabi sayo ng mga kaibigan mo, "Nakita ko
sha sa Beter kanina." Asar na asar ka. Sabay sigaw with matching facial expression,
"PAKEELAM KO?"At magtatanong sila ng isang tanong na matagal mo nang hinihintay na sagutin sa harap ng maraming tao: "Baket? Ayaw mo na ba sa kanya?"
Tatahimik ka muna. Parang si Lei sa harap ni Tang Chin.
Magbubuntung-hininga. Tititigan silang lahat na naghihintay ng
sagot mo.
Biglang magkakaron ng split personality disorder, ngingiti at
magsasalita: "Sino yon?"
Nagandahan ka sa ginawa mo. Effective. Wow, para talagang di na
nya kilala.
Biglang makikita mo siya. Ayun. Mabubuwisit ka talaga. Maaalala mo yung mga panahong pinagmukha ka niyang tanga. Yung panahong kailangan mo siya. Yung panahong iniwan ka nya sa ere... Yung panahong tinalikuran ka nya.
Masisira ang araw mo. Wala ka sa mood makipagtawanan.
Sisigawan mo ang kaibigan mong natapakan ang white rubber shoes mo. Gugustuhin mong balatan ng buhay ang lahat ng taong nagtatanong kung bakit ka wala sa mood. Hihilingin mong makapag-teleport ka papuntang Egypt.At bigla mong maririnig ang isa sa mga kaibigan mo, "Ganyan talaga pag in-love." May background pang mga palihim na tawa. At sabay-sabay silang kakanta ng --- Why do birds suddenly appear.. Di ka makakapagsalita. Mararamdaman mong umiinit yung tenga mo, yung leeg mo, yung mukha mo. Bigla mong maiisip ang pinakaepektibong palusot, ngingiti at magsasalita, "Sino yon?"
Ayos na sana, kaso di mo naisip na mali yung statement mo. At bago mo pa mabawi ang sinabi mo, sasabihin na nila, "Baket? Me sinabe bang pangalan??? Yak!! Halata!!!"
Feeling mo masusunog na sa init yung mukha mo. Kahit anong pilit mong kalimutan siya, mabilis talagang kumalat ang balita. Minsan naglalakad ka. May masasalubong kang dalawang taong di mo kilala. Magbubulungan sila. Titingnan ka, mula ulo hanggang
paa, at maririnig mo ang isang bulong: "Yan ba?"
Grabe, ang ganda na naman ng araw mo.
Di mo na lang papansinin. Kahit nakikilala mo na sila. Isang araw
naman nakikipagkwentuhan ka sa isang ka-block mo. Gwapo. Niloloko mo pa nga tong taong to na siya na ang pinakagwapong taong nakita mo sa personal. Hehe, tawa nya. Ang saya-saya mo, biglang may dadaan sa likod mo na dalawang taong di sinasadyang naging pamilyar na sayo. Lumingon ka, at pagtalikod mo, nagsalita ang isa: "Pinagpapantasyahan e no?" Sasagot ang isa pa, "Oo nga."
Oh hindee!!! Anong nagawa mo??
Titigil ka na sa pakikipagkwentuhan. Aalis ka na lang na
punung-puno ng sama ng loob.
Naaasar ka sa lahat ng tao. Bakit kailangang pakialaman ang buhay
ng taong ni hindi nila kilala? Bakit kailangang pagtawanan at
ipagkalat ang mga bagay na di na dapat pinag-uusapan?
Marami pang version yung mga naririnig mo sa kanila.
Minsan ganito, "Siya yun."
O kaya, "Ows? Yan yon?" Hayop. Marathon eavesdropper ka kase. Kahit ikaw mandidiri sa iniisip mo. At matapos mong malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya, kahit yung nilihim nya at nalaman mo lang nung tapos na, naisip mong kalimutan na lang talaga siya.
One time nakipag-chat ka.
>>> musta luvlyf?
>>>meron b?
>>>wlang kwenta
>>> ows? bkt?
>>>T_T
>>> basta. wla syang kwenta.
>>> mahal mo?
>>> huh?
>>> mhl mo p rn un.
>>> weh
>>> honestly, mhl m p rn ba?
>>> argh!
>>> ewan
>>> wlang kwenta pero mhl mo?
>>> tsk tsk
>>>Matitigilan ka. Tititigan mo yung monitor ng matagal.
>>> am i ryt?
>>> hey
>>> Ita-type mo yung "gtg" nang di oras. May kasama pang "nys miting u"
para di halatang nabwisit ka sa sinabi nya. Alt-F4. Disconnect.
Shut down. Asar na asar ka na talaga sa sarili mo. Di mo na gustong
mag-teleport. Gusto mo na lang talagang ma-dissolve sa hangin.
Ikaw na ngayon ang nangangailangan ng advice. Pero walang kwenta lahat ng sinabi nila. "Kalimutan mo na siya." PAANO? "Wag ka kase magpapaapekto. Wag mo isipin yung sinasabi ng ibang tao." HA?!? ANG LABO!!! "Marami pang iba jan!" EH SIYA NGA LANG EH!!!
Aasarin ka pa kapag sinabi nilang, "Bakit di na lang si _____? Yihee! Okay naman siya ah." Ngek, ano yun, ganon lang kadali? Nakatitig ka ngayon sa monitor.
Pabalik-balik ka lang sa
lyrics.com, sa CRS, at sa email composer mo. Nakakainis. Di mo na alam kung ano pa ang sasabihin mo.
Tama, bwisit sa buhay yang feelings na yan. May magtatanong pa,
"Bakit mo ba yon mahal?" Wow pare, wala kang maisagot. Buti pa sa Math pwede kang manghula ng formula, pwede mong paglaruan ang solution mo. May partial points ka pa. Eh sa tanong na yon? Tsk tsk. Malabong mangyari yon.
At kung BS Love and Affection ang course mo, tol mas mabuti pang
mag-shift ka na lang sa BA Emotionlessness and Insensitivity
habang maaga. Malamang magkita pa kayo don. Paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo na wala ka na talagang pakialam sa kanya.
Pero bakit pag nakikita mo siya, natitigilan ka pa rin?Minsan, kaibigan mo na yung nagsasabi sayo, O, kala ko ba wala
na? Tatawa ka na lang. Lalakasan mo para di mahalata yung teary eyes mo. Di ka na naman makakapagsalita. Litong-lito ka na. Di mo alam kung bakit nga ba ganon. Kung bakit ka apektado. Kung bakit nagbabago ang lahat pag nandiyan siya. Kung bakit gustung-gusto mo siyang bigyan ng nerve cells para maramdaman niya ang lahat Lahat.
Ngayon, ipapadala mo to sa mga kaibigan mo, sa mga ka-block mo, at sa iba pang taong wala talagang pakialam sayo. Sa kanilang lahat, di mo alam kung sino talaga ang may tiyagang tapusin ang ganito kahabang senseless na mensahe. Di mo rin alam kung sino talaga ang mag-iisip para sayo. Di mo alam kung sino ang maaapektuhan.
Somehow, gusto mong ma-disconnect ka na lang bigla. Maubusan ng internet credits. Sabugan ng pc. Mag-brown-out. Biglang
mag-collapse. Umiyak. Malunod. Maging ipis. Uminom ng Skele-Gro. Mabagsakan ng asteroid. Maglahong parang bula.
Kase, tama yung sinabi ng naka-chat mo. Sinasabi mong walang
kwenta,
pero mahal mo.
> Sobra. * my S H A T T E R E D dreams_
3:12 PM