Wednesday, April 26, 2006
Kababawan...
Minsan napapaisip ka sa mga bagay-bagay. Minsan maiisip mo ung bakit mo kailangan magpagupit ng buhok o magpalinis ng kuko. Mababawa man ito o malalim, kailangan mo talagang mag-isip. Tulad ngayon, hindi mo ba naisip kung bakit patuloy ka pa rin sa pagbabasa at bakit ko ito sinulat? Ganoon talaga wala kang magagawa. Hindi mo pwedeng pigilan ang utak mo sa pag-iisip. Ganito talaga. Wala kang magagawa.Wala.
Sa kabila ng lahat, matutuwa ka pa rin sa mga pag-iisip mo. Natural, kung wala ito, hindi mo maipapasa ang mga asignatura sa inyong paaralan, o ang simpleng makapagsalta. Astig diba? Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit sa buhay kailangan mong maisip ang bagay na tapos na at nilimot na ng panahon. "Past is past" pero bakit ganoon? Pilit pa rin kinakalikot ang magulong kahapon?
Hindi ko lubos maisip na napakahirap pala gawin ng limutin ang isang nakaraan sa kabila ng lahat. mahirap tanggapin. Masakit para sa akin. Gusto ko na siyang limutin pero hindi ko magawa. Sa tuwing nakikita ko siya, para abang nababasag ang aking puso, lalo na pag naalala ko ang panahong minsay kami ay nagkasama. Sa totoo lng wala namang namagitan sa aming dalawa. MU?? Ewan. Ssadyang napakalikot ng aking isipan na sa tuwing kami ay masaya, ramdam o ang tuwa sa aking labi, gayon din ang sa kanya. Pakiramdam ko kumpleto na ang akin buhay kapiling siya. Ang corny noh? Pero paglipas ng sandaling panahon at sa isang iglap, ang daming nagbago. Marami rin ang nawala. Di na tulad ng dati, tine-text niya ako parati, ang simpleng pag-gulo niya ng aking buhok, ang kanyang mga ngiti...hay! Ang sarap balikan pero anong nangyari? Para bang hindi na kami magkakakilala ngayon. dahil sa nangyari, naisip ko na lng na kalimutan ko na lang ang lahat. sa isip isip ko pa nga, "Marami namang iba diyan" pero para sa akin, "Wala nang mas hihigit pa sa kanya". "Past is past" ika nga. Gusto ko na talagang limutin ngunit sa patuloy na kaiiisip, nauungkat ang hind dapat maungkat
"Everything will turn into ashes after it is forgotten" Sana ganoon nga ang mangyari...
Ang hirap talag mag-isip noh?
***this artik was written 1 yr and two day ago...april 24 ko to sinulat...stig no?? buti na lng may copy pa ko ni2 sa
xanga ko..ahay..
*****ahay...birthday pala ng BLOG ko ngaun..hindi ko alam!!!wooohooo happy 2nd birthday to my blogspot!!!!!!grabe ha actually it's not april 26 since its created...i just made it this day its birthday kc april 26 ung unang post ko d2 sa blogspot....yahooo!!happeee bertdey
!!!****
* my S H A T T E R E D dreams_
1:34 PM