|| ..:: CHuCkLeS cHucKLeS ÜÜ ::.. ||* S H A T T E R E D dreams || valentines n nmn

Tuesday, August 29, 2006



dump those cheaters!!
Kanina, pag-pasok ko sa skul, may bigla akong nasagap na balita...


"Huy..may nahuling nag-cheat sa section natin (II-B) sa exam sa Health Care..mga lima daw...ung nakakakita daw ung proctor ng katabing section tapos sinumbong daw sa dean...grabe..may record na nmn ung section ntin.."


Hala. Nung friday pa na exam un ah..At kanina ko pa lng nalaman ung balita...Grabe nmn un. Pano nmn kc madali ko lng natapos ung exam sa Health care kaya hindi ako aware sa nangyari...


but that's not the point though. Ang gusto ko lng i-point out ay bakit nahuli pa ung mga classmates ko na nag-cheat?? Ang eengot naman nung mga kaklase ko..gagawa na nga lng ng kalokohan, magpapahuli pa...


Pero mejo natuwa din ako nung nalaman ko ung balita. Paano, sobrang rampant na ang cheating sa section namin. Nakakainis ung ganun noh, nagaaral ka ng mabuti tapos mas mataas pa ung score ng mga ibang tao kaysa sau despite the fact na nag-cheat lng nmn cla..unfair db???Buti na lng at nahuli na cla...cguro dis is the last time..kc last sem may nahuli sa amin na nagkodigs pero hindi ata pinarusahan...tolerable kc ung mga classmates ko eh...nakakainis. Buti n lng nahuli cla para hindi na mag-cheat ung mga classmates ko...matauhan nawa cla.


Ako, honestly speaking, nakapag-cheat na din ako. I'm not a hypocrite to think n hindi din ako cheater...lahat naman cguro ng tao eh naranasan na mag-cheat. pero hindi naman ako ganun ka-rampant na ung tipong pati sa major exams eh nagchecheat!! ako cguro ang nagawa ko pa lng ay magtanong tuwing quiz o kaya naman madalas ako ang nagbibigay ng sagot dun sa taong walang maisagot.


Nakakainis kc minsan ung mga nag-checheat eh ung mga taong may alam naman pero tamad lng mag-aral - ung umaasa na lng sa katabi. at mas nakakainis naman ung wala na ngang alam, hindi pa nagaaral...peste...mga parasite..


Nung una namimigay ako ng sagot ngaun hindi na. Motto ko na ung "Don't teach someone how to be a parasite"...Kc pag patuloy nating tinutulungan ung isang tao, hindi naiiwasang abusuhin ito at magpatuloy siya sa pagiging parasite. Atsaka agrabyado ako noh. May time na nagpakopya ako tapos ung taong nangopya sakin mas mataas ung nakuhang score kesa sakin..oh db?? Kaya hindi na lng ako nagpapakopya...lugi ako eh.


Ah basta. Minsan nga pag may nakikita akong nag-checheat, Patay malisya na lng ako. Iniisip ko na lng na hindi cla magbebenefit sa ginagawa nila. Cguro sa una nakakapasa sila sa mga exams pero what if pag nag-battery test na?Nag-board exam?? Panu pa cla makakapag-cheat nun?? dba hindi na???Tska panu pag nagtrabaho na cla?? Makakapagcheat pa kaya cla???Hindi na uso ung ganun noh.. Hay...whattever....


PEro iniisip ko ngaun kung anong mangyayari sa lima kong classmates na nahuli. Ano nga kaya??


And xempre, dahil sa nangyari, narungisan na naman ang pangalan ng section namin. Pero ala na ako pake dun...Bsta alam ko wala akong ginawang masama. Kilala naman ni Lord kung sino ung wlang kasalanan. Bahala na. Eh ano nmn kung pangit na ung image ng section namin??Wala lng. Aus lng. Masaya parin naman ako sa section nmin eh


Sana lng hindi na maulit ung cheating na nangyri..magcheat man cla, pero dpat hindi cla magpapahuli. I can't say na wag na cla mag-cheat becoz that's very impossible to happen. Lahat na ng students ngaun eh marunong na mag-cheat.


Sana sa future hindi cla ma-cheat ng ibang tao. Sana hindi cla karmahin.


* my S H A T T E R E D dreams_ 9:27 PM

|