|| ..:: CHuCkLeS cHucKLeS ÜÜ ::.. ||* S H A T T E R E D dreams || valentines n nmn

Friday, May 05, 2006



yey!!!

I'm matured in my own way. And hey, i got so many changes in my life which really proved that i'm matured enough. Though there are some aspects which did'nt even changed at all. Kung baga sa science, na-experience ko ang physical and chemical change sa buhay...

Pero kahit na matured na ako, hindi parin mawawala sakin ung pagiging childish…ganun ako eh, pero nasa lugar naman.

First, Physical change. Mejo nagiging conscious na ako sa aking katawan kahit hindi lng halata. Hehe. Dati, marami ako kung kumain, ngayon onti na lng. Diet ba? d nmn..kailangan eh (kung di lng dahil sa swimming subject dis next sem..haynaku) kaso mejo tumatakaw na namn ako dis days..sabi ko sa sarili ko dati..less rice and no rice during dinner..kaso hindi un natupad..hehe. Also, mejo marunong na din ako magayos ng sarili ko di tulad dati na dugyutin..PERO: ayaw ko parin ng make-up. Itaga nio yan sa bato. Ok na skin ang Face powder and onting pink blush, tska lip gloss. You name it.

Fashion sense. Aba..nasa bokabularyo ko na rin pala ang salitang yan. Buti nmn at may sense na rin ako kung manamit. Pero mas maganda sana kung may pera ako dba...PERO: hindi ko binabalak na maging isang "fashionista ever"...basta comfortable ako sa sinusuot ko at maganda naman tingnan sakin..ayos na ako dun.

Study habits. Ay naku..jan ako lagapak. Bumaligtad ata eh. Dati kc nung elem and hs., napakasipag ko magaral. Kasama pa nga ako sa "star section" mula grade one to 4th yr (xcept lng nung gr 2, istyr an d 3rd yr). Ibig sabihin matalino ako dati. (take note the word "dati"). Eh ngaung nagkolehiyo ako, wala..nagiba na ung study habits ko. Tipong magaaral na lng ako two hours b4 the exams. Minsan pa nga 30 minutes b4 eh..hala..mahilig sa cramming. Buti na lng at pumapasa pa nmn..ung tipong 2.75 sa sociology, 2.5 sa english...haha!! Pero bilib parin sakin mga classmates ko kc kahit ganun daw ung study habits ko, i managed to get high grades (tulad ng sa p6, bio w/c is 1.5, algeb na 1.5 din)..isa din ako sa mga nangunguna sa class. They also said that ok lng daw kung ganun daw ung study habits ko, nagbebenefit naman ako dun ehh..pero kung ako ang tatanungin, gusto kong ibalik ung study habits ko nung nasa DPS pa ako..cguro kung hindi nagbago ung study habits ko, malamang kasama ako sa mga scholar ng school nmin. HAY. dito sa study habits..mejo may pagka-immature ako. sana hindi na ngaung malapit na kami sumabak sa NCM and primary health care...

Lovelife. Nanaman?? Well, mejo somehow a little bit matured d2 kc sa ngaun ay nasa lugar pa naman ang lahat..di pa naman naapektuhan ng lovelife ang aking pagaaral. Bakit?? Kasi WALA NAMAN AKO NUN EH!! ALA AKONG LOVELIFE. ASA PA!!<---get it??? naka all-CAPS pa yan ha.. Well i'm matured at that point kc maganda naman ang prinsipyo ko regarding love matters. I’m cynical in some ways, well, ayaw ko kc ung lolokohin ako ng tao. Hindi ako tulad ng ibang girls na sabihan lng ng “I love you” ng guy, aun..maya maya sila na. im not like them noh.. Cynical biatch here. One time nga may nagtetext sakin..he claimed that im his gf…and even told me the three words, y’know. Then I replied him: “Owss??you love me??well, parehas tau..I love myself too!!”. After that, hindi na xa nagreply. Nangyari na din sakin yan several times sa chat, and same reply din ang ginawa ko.

Kaya naman I’m single since birth – palaban kc sa boys eh…

But to tell you the truth, I’m a Hopeless romantic person. Hmmph. Siya na naman?? Bwiset kc ung manong dun sa comp shop kagabi eh. Bigla ba naman patugtugin ung kanta ng mymp!!aba..biglang tumigil ang mundo ko. Eh kc nmn..click nio na lng tong link na to: ClickME and find out kung bakit.

Basta talaga about love, ang dami kong sinasabi. Gaya ng sinabi ni Danlen sa blog nia: “Ganun ata talaga eh. Kapag wala kang ginagawa, masyado kang nag-iisip about other things, like love.” Tama xa. Ganun talaga eh. Bitter na ako. T_T

Tama na yan.

Kala ko ba matured ka na irish??

Yes I am.

Matured naman na din ako when it comes to my attitude. Naging mas malawak na ang understanding ko sa mga bagay bagay pati na rin sa ibang tao. Thanks to Psychology, na isa sa mga subject nmin nung first sem. Dati, hindi ko alam kung paano ko kahaharapin ang mga taong matampuhin, mataas ang pride, Judgemental people..ngaun, alam ko na. Hindi naman nila kasalan kung bakit ganun cla eh. May kanya-kanya tayong attitude. Ako aaminin ko, since I’ve grown up na, marami nang nagbago sakin, including my attitude. Naging MOODY na ako, tahimik, nging seryoso, ganun talaga kailangan ausin ang aking buhay kc nga malaki na ako. Ang kinaiinisan ko lng, parang naging mali pa ung nangyari. Maraming lumabas na taong ganun (ung nabanggit ko sa una). Hindi na nila ako naintindihan. Sana maintindihan nila ung kasabihan na “there is nothing permanent except for change”. Lahat naman kc ng tao nagbabago noh!! Well, I can’t blame them, ganoon nga cla eh.. Message ko lng sa kanila, sana cla din magayos ng buhay. Magmature naman kahit papaano..paano kc ang tataas ng pride nila..di ko na ma-reach!! Kaya ako nananahimik na lng. Iiyak. Kc sabi nila ako ang mali eh. Hihingi ako ng apology, kaso wa-epek. I ask for forgiveness kahit na ang alam ko sa sarili ko ako ang tama, sila ang mali. Ayaw ko naman masyado ipilit ung akin, kc nga nmn masyadong mataas ang pride nila. Nagiging passive na ako..well anong magagawa ko, mag-isa lng ako dba??cla marami. Kaya nga ako, sa pagninilay-nilay ko, pinag-pepray ko na lng cla. C Lord na ang bahala sakin. Ala na akong pake sa kanila, judge me or not..as long as I’m doing the right thing..Minsan nga sa sobrang inis ko, gusto ko na lng mawala. Mag sublimate na parang moth balls tas madidissolve na lng sa hangin..o kaya mag evaporate na lng bigla..pero thinking maturely, eto na lng iniisip ko:

“People maybe unkind, just be good.
They may cheat you, just be honest.
They may forget your good deeds, just do well.
Coz in the end, it’s about you and God,
Not you and them..”

Db??

177 days to go, debut ko na. 18 na ako sa october..yehey!! Legal na ako. I wish na mag-mature pa ako lalo..Sana magka-bf na ako..LOL joke lang.



P.S. sa MS word ko na to tinype..baka mawala na naman ang pinaghirapan ko.





* my S H A T T E R E D dreams_ 2:20 PM

|