Wednesday, January 04, 2006
ALL ABOUT LOVEyou don't have to forget someone you used to and still love. what you need to learn is how to accept the verdict of reality without being bitter or sorry for yourself. believe me, you would be better off giving that dedication and love to someone more deserving. don't let your heart run your life. be sensible, and let yourmind speak for itself. learn to listen not onlyto your feelings, but to reason as well.
always remember that if you lose someone today,it only means that someone better is comingtomorrow. if you lose love that doesn't meanthat you failed in love. cry if you have tobut, just make sure the tears wash away the hurtand the bitterness that the past left you. letgo of yesterday and love will surely find itsway back to you. and when it does, pray that itmay be the love that will stay and last not only for a lifetime, but forever.
---------------------------------------------
Nakakatawa talaga ang love.
Isa siyang napakalaking oxymoron.
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal.
Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo.
Walang rason. Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal.
Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon,
na-in-love din ang hunghang.
At ayun, tanga na siya ngayon.
Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din.
O kaya paminsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya.
Lahat ng malalakas na tao, humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot, sumasaya.
Ang matitigas, lumalambot.
Nakakatawa talaga.
Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal.
Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit,
sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!"
biglang WACHA! Ayan na siya. Nang- aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo?
Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan
parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao?
Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo.
Pero bakit parang wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig.
"Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!"
"Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!"
At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong
alam naman nilang masasaktan lang sila eh
magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.
Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila,
siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya!
"Bakit niya 'ko sinaktan?"
May kasama pang pagsuntok sa pader yon,
at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga
bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan.
Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya
masasabi ko nang eksperto na 'ko.
Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang
katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig,
ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil
siguradong ikaw ang punchline. Nakakatawa no? Nakakaiyak.
---------------------------------------------------
JOKES MUNA TAIO...OK??
Mga ginintuang alaala
TANDANG TANDA NAMIN NI KUYA ANG SAYA AT LUMBAY SA PODER NILA INAY AT ITAY...LALO NA ANG MGA MAGAGANDANG LESSONS NA NATUTUNAN NAMIN SA KANILA!
1. Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Mga puny3t@ kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
3. Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig Sabihin ng TIME TRAVEL.
"Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayo ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!"
4. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
5. Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine."
6. Kay Itay naman natuto ng FORESIGHT si Kuya.
"Siguraduhin mo na lagi kang mag susuot ng malinis na brief, para pag nakascore ka sa syota mo e di kahihiya-hiya."
7. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
8. Kay Inay ako natuto ng science of OSMOSIS.
"Puny3t@, itigil mo ang kadadakdak at tapusin mong kainin ang inihanda kong hapunan para sa iyo."
9. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo?!?"
10. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos kainin lahat yan gulay mo!"
11. At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng WEATHER.
"Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
12. CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
13. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan ng parang Nanay mo!"
14. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?."
15. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"T@ngn@ kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay...."!
16. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung ano ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay....!"
17. Si Inay naman ang nagturo sa aking kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mover, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpohin kita!"
18. Kay Itay naman natuto si Kuya ng HOW TO BECOME AN ADULT.
"Kung di ka matutong magbati, eh di ka nga tatangkad."
19. Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya."
20. Kay Inay din ako natuto ng WISDOM.
"Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat."
21. At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang JUSTICE."
Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana'y matulad sila sa yo... haliparot!"
* my S H A T T E R E D dreams_
3:21 PM