|| ..:: CHuCkLeS cHucKLeS ÜÜ ::.. ||* S H A T T E R E D dreams || valentines n nmn

Tuesday, December 05, 2006



madramang post
Naranasan nio na bang mabalewala?? I mean ung hindi ka man lng naisip ng mga tao. Napagiiwanan ka na...???



ako?? OO


NUng wednesday, after ng Logic class namin, nagpunta kami sa fourth floor para sa next class which is STS. We waited there for several minutes, then, hindi na nakatiis ang aming Mr. President, pumunta na xa sa nursing office. Pagbalik nia, inaannounce nia na "on leave" ang aming prof. So it means, wala ng class sa nasabing subject. So napagdesisyunan namin ni analou na umalis na at pumunta ng Brgy. hall, pumunta na nga kmi at inasikaso ung Brgy. Profile para sa assignment sa Health Care.


Then, friday, nagkita kami ni analou. Walang pasok nun kc holiday, nakita ko lng xa sa simbahan. Tapos, may bigla siyang sinabi sa akin:


Analou: ui irish, hindi mo ba alam, natuloy ung class natin sa STS nung wednesday!!
Ako: owwsss?? talaga??? hala, panu yan eh di absent tau!!
Analou: nag-quiz pa nga cla eh
Ako: $%&#@###!!!!! ano?? nawalan na nga tau ng attendance tapos pati rin quiz??bad3p naman!!
Analou: Ni hindi man nila ako tinxt db.
Ako: Grabe naman hindi man lng tau cnabihan...ang sama naman nila. Kainis hah
Analou: Wala pa bang tumatawag sa bahay nio??
Ako: bakit?
Analou: wala?? eh di hindi mo pa alam na may make-up class tau bukas sa STS, 10:00am- 1:00pm
Ako: wala di ko alam. wala pang tumawag sa bahay.
Analou: buti na lng nagkita tau kundi baka hindi ka makapasok bukas
Ako: salamat ha..oo nga eh..badtrip naman cla. Inbisibol ba ako?? yak...$$$%%%##&&&



haaay...takte. Grabe naman. Naiinis talaga ako. grr. Panu na un ten points na ung nawala sa quiz ko pati sa attendance...pointing system pa nmn ung grading system namin sa STS. Ang kupal talaga. Oo, wala na akong cellphone. Pero bakit hindi man lng nila tinxt si analou?? alam naman nila na magkasama kmi..wag nilang sabihing wala silang load pucha naka-globe c analou at halos buong klase eh naka-globe! Azar talaga! tapos wala man lng tumawag sa bahay para sabihin na "ui irish, may make up class tau bukas"...wala man lng nagke-care..kainis. para saan pa ung class directory db??


pero ngaun, mejo wala na ung inis ko kc tapos na eh. wala na akong magagawa dun db? pero sana man lng diba hindi nila nakakalimutan na classmate nila ako. kahit ung mga close friends ko nakalimot na. kaya aun nung nag-make up class kami nung saturday c analou lng ung kinakausap ko.


Actually second time na nangyari to eh. Pero kabaligtaran naman. Kung nung wednesday eh hindi ako nakapasok sa klase, this time, ako lng ang pumasok.


It happened last yr sa anatomy class. Tulad nung nangyari nung wednesday, hindi ako nabigyan ng impormasyon. Kawawa naman telepono namin, wala man lng tumawag. Pumasok ako nun sa skul grabe ang aga ko nga pumasok. Tas nagtataka ako bakit wala man lng estudyante sa corridor. naisip ko pa nga na baka maxado lng ako maagang pumasok. So nag-elevator ako. Hala. Wala rin si ms. operator girl!! so aun nakarating na ako sa 4th floor. May nakita ako isang medicine student. Nasabi ko na lng na haay salamat at may estudyante na rin. Naupo ako sa isang bench. naghintay. tapos may biglang lumapit na janitor..


Iha, wala kaung pasok ngaun. Di mo ba alam? exam ngaun ng medicine students...



Aun. Umuwi kaagad ako. Aus talaga. Uli, oo nga wala akong cellphone para itxt nila..pero ano ginagawa ng telepono sa bahay?? grabe talaga.


Minsan napapaisip ako kung bakit ganito na lng parati. sana nga wag na msundan pa. Pero nung ako may cellphone ako pa ang nagttxt sa mga classmates ko na walang pasok kc may bagyo. If i can dissimenate the information, well i do it..as long as i can. di katulad ng iba xobrang dupang talaga.


kaya minsan sa classroom nagpapaka-OP na lng ako. Naghihintay na lng ako na may kakausap sa akin. kc parang nakakapikon na ung mga close friends ko sa room. ewan ko ba. balewala na lng ako parati.


pero hindi ko sa kanila un ginagawa. Ayaw ko naman na gantihan cla. kahit ganun cla, may concern pa naman ako eh. bahala na c lord sa akin. hehehe. lam nia mabait ako wahahaha. pero pag feel ko talaga na hindi mamansin, ginagawa ko talaga. bahala cla., masarap ata maging loner no..kau, try nio mag-isa. masarap ang feeling. walang epal, walang istorbo, makakapag-isip ka ng mabuti..haaaaay...


*************************************************************
happy birthday pala kay analou..sa sunday ung party..hehe


starting monday pala prelim exam na namin. Angbilis tlg ng panahon. tapos pasko na. hindi pa ako nakakabili ng christmas gifts..bahala na...onti plng ipon ko. sana during exams makaipon ako ng pera.


*************************************************************
To adrian: nakakatats naman ung wish mo sa akin...salamat ha... :))



fin.


* my S H A T T E R E D dreams_ 6:56 PM

|