|| ..:: CHuCkLeS cHucKLeS ÜÜ ::.. ||* S H A T T E R E D dreams || valentines n nmn

Tuesday, September 13, 2005



Why are we still friends??
Paano sabi nila bat nmn daw ako nagtitiyaga sau eh di ka nmn gwapo tsaka ginagamit mo lng daw ako? Kasi ewan ko ba, makita ko lang yang buhok mo o kaya ang manggas ng damit mo kumakabog ang dibdib ko. Wala akong ginagawa sa buong magdamag ko kundi isipin ka. Ang routine ko nga ata sa buhay ko ay gigising tapos iisipin ka, maliligo tapos iisipin ka, kakain tapos iisipin ka, papasok tapos kikiligin dahil iniisip ka.

Kasi ang sweet sweet mong tao, dahil sa dinami-dami ng barkada mo bakit ako pa ang tinuring mong bestfriend. Bestfriend? Natutulig ako sa word na ito. Ewan ko kung dapat ba akong umiyak dahil ang tingin mo sa akin ay matalik na kaibigan lamang o matuwa dahil sa dinami dami ng tao sa mundo ang swerte swerte ko dahil ako ang ginawa mong bestfriend.

Hindi mo lang alam na ang laki ng epekto mo sa akin. Di mo lang alam na ng dahil sa iyo nagbago ako. di mo lng alam na nung makilala kita tinuruan mo ang puso ko na umibig. oo mahal kita, mahal na mahal. higit pa kaninuman, gagawin ko ang lahat para sa iyo kasi mahal kita. Pero ewan ko, manhid ka ata at di mo alam na mahal kita. na ang kaligayahan ko lang sa buhay ay makita at makasama ka. Kahit ung ngiti mo lng at pagtabi sa akin ay sapat na. nag mga kaway mo at pag-alala ay nakagagaan ng damdamin ko. lam mo nmn na ang dami kong problema. Sobrang bigat at nakakaloka na. Pero naglalaho un ng parang bula ng dahil sayo. sapat na ung nandun ka para sakin para mapagaan ang problema ko..naglalaho pa nga eh!

Di mo rin alam kung gaano ako nasaktan ng nagkaroon ka ng girlfriend. Sibrang plastik ko talaga as in para akong tupperware o orocan sa inyo. Napakasakit nun, kasi akala ko magtatapat ka na nun pero nagtapat na umiibig ka na, sobrang sakit para sakin nun. sabi ng iba eh ano nmn ngaun di nmn sila magtatagal pero masakit pa rin un! Makita ko lang kayong magkasama gusto ko na sugurin ang gf mo at sabunutan, sipain at kabuhin. OO galit ako sa kanya! Dahil inagaw ka nia sakin!

Mahal mo ba ako? Di ba pwede maging tayo? Mahal na mahal kita. OO madalas kong sabihin sayo na mahal kita at ganun din ang ginagawa mo pero bestfriend lang ang pagmamahal mo. Sana nmn makita mo ko bilang babae at hindi bilang kaibigan lng. Di naman kita sasaktan eh! Di rin nmn kita paiiyakin! Tsaka ano bang meron sila na wala ako? Sana dumating ang panahong marealize mo na tayo ay dapat na higit pa sa magkaibigan...bago..bago ako sumuko..


@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
hay...para sa kanya to..pero wish ko lang!!! as if nmn nababasa nia to..hay...

actually nakuha ko lng to sa classmates ko galing daw sa pey-ups...kung cno man ang nagsulat nito>..ay nako...ang galing mo!! asteeg ka!!! nakarelate talaga me d2...ouch..it hurts..


un lng..

hay la ako magawa..ang sarap inakbayan nia ako..

aja!


* my S H A T T E R E D dreams_ 7:17 PM

|